^

Bansa

P1.9 bilyong dried tobacco, fake goods nasabat sa BOC raid

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P1.9 bilyong dried tobacco, fake goods nasabat sa BOC raid
Ang naturang mga operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng MICP-CIIS, sa mga bodega sa Guiguinto, Bulacan sa loob ng tatlong araw, sa suporta ng Enforcement and Security Service (ESS) at ng Philippine Coast Guard (PCG).
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P1.944 bilyong halaga ng mga dried tobacco, fake goods, used clothing, at iba pang items ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) sa isinagawang pagsalakay sa ilang bodega sa Bulacan ngayong linggong ito.

Ang naturang mga operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng MICP-CIIS, sa mga bodega sa Guiguinto, Bulacan sa loob ng tatlong araw, sa suporta ng Enforcement and Security Service (ESS) at ng Philippine Coast Guard (PCG).

“Big operations like these take a lot of time and resources but as a testament to the enduring commitment of our officers, we were able to inspect many warehouses in three days and come up with a staggering amount of the smuggled goods being stored there,” ani BOC Commissioner Bien Rubio.

Ang inspeksiyong isinagawa sa unang bodega noong November 6, 2024 ay nagresulta sa pagkadiskubre ng suspected smuggled used clothing, used shoes, intellectual property rights infringing goods, branded bags, toys, electric fans, wireless speakers, steel sheets, plastic resins, housewares, kitchenwares, at iba pang general merchandise items.

Ayon kay CIIS Director Verne Enciso, ang mga naturang discoveries pa lamang ay umaabot na sa tinatayang P1.25 bilyon.

Ang patuloy na inspeksiyon naman sa iba pang warehouse noong November 8, 2024 ay nagresulta sa pagkadiskubre ng mga nakasakong dried tobacco at cigarette filter rods na kayang gumawa ng P694.4 milyong 6,944 mastercases ng sigarilyo.

Gaya ng mga naunang operasyon, sinabi ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy na ang mga may-ari ng mga bodega at operators ay bibigyan ng 15 araw mula sa pagsisilbi ng LOA upang magsumite ng mga dokumento at patunayang ang mga naturang imported goods ay lehitimong inangkat at naibayad ng tamang duties and taxes, alinsunod sa Section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Kung mabibigo silang magprisinta ng kaukulang mga dokumento ay maaaring magresulta sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga may-ari ng smuggled dried tobacco products.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with