^

Bansa

Worst case scenario sa banta ng bagyo, Kanlaon pinaghahandaan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Worst case scenario sa banta ng bagyo, Kanlaon pinaghahandaan
Phivolcs shared close-up footage of an ash emission event from the Kanlaon volcano crater at 5:45 AM on November 9, 2024.
X/Phivolcs

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan na ang Office of Civil Defense (OCD) ang posibleng worst case scenario sa matinding epekto kaugnay ng banta ng panibagong bagyong Nika at nag-aalburutong Kanlaon volcano na nagbabadya ng mapanga­nib na pagsabog sa Negros Island sa Western Visayas Region.

Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, inatasan na niya ang mga opisyal sa OCD Western Visayas na pabilisin ang paghahanda lalo pa at may posibilidad na ang pagsabog ng Kanlaon volcano ay sumabay pa sa banta ng bagyo.

“Preparing for the worst-case scenarios is crucial for saving lives. We must ensure that our response plans are robust and ready to be implemented at a moment’s notice, especially in the face of potential natural disasters,” ayon kay Nepomuceno.

Nitong Sabado ng umaga ang Kanlaon ay nagbuga ng volcanic ash ng mahigit isang oras mula sa summit crater nito.

Sinabi ni Nepomuceno na mahalaga ang papel ng mga Local Go­vernment Units (LGUs) para kumilos at tulungan ang kanilang mga constituents lalo na sa pagpapalikas sa mga ito sa permanent danger zone.

Iniulat ang mahinang pagbubuga ng abo ng bulkan sa Sitio Guintubdan. Brgy. Ara-al, La Carlota City. Nanatili naman sa alert level 2 ang sitwasyon sa Kanlaon na nagbabadya ng tulu­ngang pagsabog nito.

vuukle comment

PHIVOLCS

VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with