^

Bansa

Trump panalo sa 2024 US Presidential elections

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Trump panalo sa 2024 US Presidential elections
Donald Trump addressed his supporters at West Palm Beach, Florida on November 6, 2024
(Wire photos) | via Agence France-Presse

MANILA, Philippines — Inangkin na ni dating President Donald Trump ang panalo sa 2024 presidential election sa Amerika laban sa katunggali na si Vice President Kamala Harris.

Ginawa ni Trump ang pag-angkin sa panalo matapos dominahin ang botohan.

Ayon kay Trump, ang kanyang panalo ay isang “political victory” na hindi pa nasasaksihan ng kanilang bansa kahit kailan.

“It’s a political victory that our country has never seen before,” ani Trump habang pinapalibutan ng kanyang pamilya at mga supporters sa campaign headquarters sa Florida.

“We are going to help our country heal,” dagdag ni Trump.

Nagtalumpati si Trump matapos makuha ang boto sa Pennsylvania at mga tinatawag na “swing states” na kinabibilangan ng Michigan, Nevada at Wisconsin.

Agad namang binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Trump.

Sa pahayag ng Pangulo, sinabi niya na inaasahan niya ang pagtutulungan kay Trump para sa kapakinabangan ng dalawang bansa na may malalim na ugnayan, magkatulad na paniniwala, magkasanib na pananaw, at mahabang kasaysayan ng pagtutulungan.

Umaasa rin si Marcos na hindi matitinag ang alyansa sa Amerika na nasubok sa digmaan at kapayapaan.

“I am hopeful that this unshakeable alliance , tested in war and peace, will be a force of good that will blaze a path of prosperity and amity, in the region, and in both sides of the Pacific,” wika ng Pangulo.

DONALD TRUMP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with