^

Bansa

Tulfo: SUV na peke plakang ‘7’ madaling ma-trace

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tulfo: SUV na peke plakang â7â madaling ma-trace
Kinumpirma ng LTO  kay Tulfo na 24 lamang sa buong Pilipinas ang nagma-may-ari ng puting Cadillac Escalade kaya posibleng matutukoy pa rin ang may-ari nito.
COURTESY: SAIC

24 lang meron sa Pinas

MANILA, Philippines — Mabilis lamang dapat matukoy ang may-ari ng Sports Utility Vehicle (SUV) na nahuling ilegal na gumamit ng EDSA bus lane dahil 24 lamang ang uri nito sa Pilipinas, ayon kay Senator Raffy Tulfo.

Sinabi ni Tulfo, Chair ng Senate Committee on Public Services, na nakausap niya si Land Transportation Office (LTO) Executive Director Greg Pua kasunod ng viral incident.

Kinumpirma ng LTO  kay Tulfo na 24 lamang sa buong Pilipinas ang nagma-may-ari ng puting Cadillac Escalade kaya posibleng matutukoy pa rin ang may-ari nito.

Ang nasabing Escalade ay tumatahak daw sa Southbound patungong Ayala.

Sa hiwalay na pahayag nitong Lunes, sinabi ng LTO na peke ang lisensya ng luxury SUV  na nagpapakita ng plakang ‘7’ na nakatalaga sa mga senador ng bansa.

Sinabi rin ni Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation Vice Chair Assistant Secretary Jose Lim IV, na bagaman at  nakatakas ang driver, ang pasahero sa harap ng sasakyan ay nagbaba ng bintana kaya nakita ang kanyang mukha at posibleng isa itong security aide.

Nauna ng kinondena ni Senate President Francis Escudero ang insidente at hinikayat na lumutang ang may-ari ng SUV.

Hindi lang iligal na ginamit ng SUV ang bus lane, kundi muntik na umanong masagasaan nito ang isang traffic enforcer.

VEHICLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with