^

Bansa

Imbestigasyon ng Kongreso sa flood control project, ok kay Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Imbestigasyon ng Kongreso sa flood control project, ok kay Pangulong Marcos
The vicinity of J.P. Rizal Street, near the Siniloan River in Laguna are still submerged in water on November 2, 2024 weeks after the onslaught of #KristinePH.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa balak ng Kongreso na imbestigahan ang flood control project ng gobyerno, matapos ang matinding pagbaha sa ilang lalawigan dulot ng bagyong Kristine.

Subalit, giit ng Pa­ngulo, dapat din nilang maintindihan na mayroong dalawang panig dito na, na-overwhelm ang flood control natin dahil sa dobleng dami ng ulan na binuhos ng bagyong Kristine na umabot sa higit 700 centimeters kumpara noong Ondoy na higit sa 400 centimeters lang.

Bagama’t may flood control aniya, ay hindi ito kinaya at sa buong kasaysayan ng Pilipinas ay ngayon lang nangyari ito kaya ngayon lang ito haharapin ng gobyerno.

Paliwanag pa ni Marcos, dapat maunawaan ng tao na hindi lang ito tungkol sa budget kundi sa siyensa rin o science dulot na rin ng climate change.

Inihalimbawa rin ng Presidente ang nangyari sa bansang España at sa ibat ibang lugar maging sa Estados Unidos na ngayon lang nagkakaroon ng ma­tinding mga pagbaha at kalamidad.

Kaya ang gagawin aniya ngayon ng gobyerno ay babaguhin ang mga de­sinyo, patitibayin ang mga imprastraktura, mga flood control, at maglalagay ng slope protection  pati sa mga tulay at titingnan ang mas magandang disenyo.

FLOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with