^

Bansa

Lookout bulletin sa 7 ‘bata ni VP Sara hiling sa DOJ

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lookout bulletin sa 7 ‘bata ni VP Sara hiling sa DOJ
VP Sara denies plagiarizing book, says next story about 'betrayal' Vice President Sara Duterte attends a budget hearing for the Office of the Vice President on August 20, 2024.
Facebook / Senate of the Philippines

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng lookout bulletin order (LBO) laban sa pitong opisyal ng Office of the Vice President (OVP) kaugnay ng imbestigasyon sa diumano’y iregularidad sa paggamit ng confidential funds noong 2022 at 2023.

Ginawa ng chairman ng komite na si Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang mungkahi kasunod ng ­inilabas na subpoena upang humarap ang mga opisyal ni VP Sara na magbigay ng testimonya matapos na hindi sumipot sa mga naunang pagdinig.

Kabilang sa mga ­opisyal sina OVP Chief of Staff Zuleika Lopez; Assistant Chief of Staff at Chair ng Bids and Awards Committee na si Lemuel Ortonio; Direktor ng Administrative at Financial Services na si Rosalynne Sanchez; Special Disbursing Officer (SDO) na si Gina Acosta; at Chief Accountant na si Juleita Villadelrey.

Ipinatatawag din ng komite sina dating DepEd assistant secretary Sunshine Charry Fajarda at SDO Edward Fajarda, na ayon sa mga ulat ay nasa tanggapan na rin ng OVP.

Sa kanyang pinakahu­ling liham kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, binanggit ni Chua na nakatanggap ang kanyang komite ng impormasyon na ang mga nabanggit na indibidwal ay posibleng lumabas ng bansa.

“Considering these developments, I earnestly request your office to issue a Lookout Bulletin Order against these personalities,” saad pa ni Chua sa kanyang liham kay Remulla.

“This action is imperative to monitor their movements and prevent any potential attempt to flee the country, which could significantly hinder our investigation and broader efforts to uphold the integrity of public service,” dagdag pa ng solon.

Iniimbestigahan ng komite ang kuwestyunable umanong paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd noong 2022 at 2023.

DOJ

OVP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with