^

Bansa

Nobyembre 4 idineklarang National Day of Mourning

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Nobyembre 4 idineklarang National Day of Mourning
Pangulong Ferdinand Marcos Jr
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Bilang pag-alaala sa mga biktima ng bagyong Kristine, idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Nobyembre 4, 2024 bilang National Day of Mourning.

Sa Proclamation No. 728 ng Pangulo, inaatasan nito ang lahat ng establisimyento na may bandila na ilagay ito sa half mast.

Bukod dito, hinihikayat din ang lahat na mag-alay ng panalangin para sa mga biktimang naapektuhan ng kala­midad.

Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Oktubre 30.

Base sa datos na nakapaloob sa inilabas na proklamasyon ay umaabot sa mahigit 1.7 milyong pamilya ang naapektuhan ng bagyong Kristine.

Habang nasa mahigit 100 katao naman ang naiulat na nasawi dahil sa bagyo.

NATIONAL DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with