^

Bansa

Espenido umamin: Pagdawit kay Bong Go sa QuadComm, tsismis lang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umamin si Police Colonel Jovie Espenido sa ilalim ng panunumpa sa public hearing ng Senate blue ribbon committee, na wala siyang personal na kaalaman sa pagkakasangkot ni Senator Christopher “Bong” Go sa drug war.

Ang pagsisiwalat ni Espenido ay lumabas sa pagdinig sa Senado matapos kuwestyonin ang mga motibo ni Espenido sa pagsasama sa pangalan ni Sen. Go sa kanyang isinumiteng affidavit sa House of Representatives’ quad committee. Dahil dito’y kinuwestyon ni Go ang validity ng affidavit:

“You lied in your affidavit,” sabi ni Go kay Espenido. “Bakit mo sinabi ‘yung pangalan ko sa affidavit?”

Idiniin ni Espenido na binanggit niya ang pangalan ni Go batay lamang sa mga kuwento sa kanya ni yumaong Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro na umano’y sangkot sa illegal drug trade noong panahong iyon. Dahil patay na ang alkalde ay hindi na mapatunayan ang kanya umanong kwento.

“Your Honor, Mr. Chair… Napakinggan ko lang ‘yun kay Mayor Navarro,” ang pag-amin ni Espenido.

Sa kanyang affidavit na inihain sa House of Representatives’ quad committee, binanggit ni Espenido na ang pondo ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ay diumano’y ginagamit upang magbigay ng insentibo sa aksyon ng mga pulis sa gitna ng giyera sa droga ng administrasyong Duterte.

Nabanggit ang pangalan ni Go sa affidavit na nag-uugnay sa kanya sa umano’y fund channel, na sa kalaunan ay lumitaw na narinig lamang ni Espenido sa isang tsismis.

Ayon kay Go napakalaki ng naging im­plikasyon ng pahayag ni Espenido, partikular na sa potensyal nitong makapinsala sa mga reputasyon, batay lamang sa mga hindi beripikadong sabi-sabi.

“Huwag na sana nilang piliting iugnay sa akin ang mga bagay na walang katotohanan. Malisyoso ito at mapanirang puri,” idiniin niya.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with