^

Bansa

Pangulong Marcos pinaghahanda mga LGUs sa Bagyong Leon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos pinaghahanda mga LGUs sa Bagyong Leon
President Ferdinand Marcos Jr. on October 16, 2024.
PPA Pool photos by Revoli Cortez

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ibat-ibang local government units sa bansa na maghanda sa pagtama ng Bagyong Leon.

Ginawa ng Pangulo ang utos sa pagbubukas ng Maersk Optimus distribution center sa Calamba City, Laguna.

“Unfortunately, mukhang may padating na naman. Kaya’t paghandaan natin nang mabuti,” pahayag ani Marcos.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) patuloy na nagbabanta ang Super Typhoon Leon sa northern Luzon.

Taglay ng bagyo ang hangin na 185 kilometro kada oras at pagbugso ng 230 kilometro kada oras.

Kamakailan lamang, tumama ang bagyong Kristine na nagdulot ng pagkasawi ng mahigit 100 katao.

Kaugnay nito, pi­nayuhan ni Atty. Chris Bendijo, tagapagsalita at Head Executive Assistant ng Manila International Airport Authority ang mga pasahero na i-monitor ang bagyo sa posibilidad na magkaroon ng kanselasyon ng biyahe ng mga eroplano.

Ipinaliwanag pa ni Bendijo na posibleng sa paliparan ay hindi pa masama ang panahon pero posibleng iba ang sitwasyon sa ­destinasyon ng ilang pasahero.

vuukle comment

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with