Stakeholders muling nanawagan vs online piracy
MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang mga stakeholders ng creative at intellectual property (IP) industry sa Pilipinas laban sa piracy sa gitna ng pagdiriwang ng National Anti-Piracy and Consumer Welfare Month ngayong Oktubre.
Sa pangunguna ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), hinikayat ng mga miyembro ng creative industry ng bansa ang mga Pilipino na tulungan ang mga artists at regulatory bodies na puksain ang pirated content para makatulong na protektahan ang industriya at ang kita ng bansa.
"A strong IP system promotes job creation and economic development. Piracy takes away the revenue of legitimate businesses, which affects the economy negatively and the consumers' choices in the long run," ayon sa IPOPHL.
"Piracy undermines the hard work of the individuals who bring original, high-quality goods and services to consumers. By choosing legitimate, IP-protected products, [it] shows support and appreciation of their hard work," dagdag pa nito.
Ang isang aspeto ng piracy na nais ding tugunan ng mga creatives at ilang mambabatas ay ang online piracy at ang financial losses na dinaranas ng industriya mula rito.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay walang legislative mandate para harangin ang mga sites na may pirated content. Nagtutulungan lamang ang IPOPHL, ang National Telecommunications Commission, at ang internet service providers upang magkaroon ng stopgap measures para harangin ang mga sites na may pirated content.
Dalawang magkahiwalay na bills, Senate Bills 2150 at 2385, ang kasalukuyang nakahain sa Senado upang amyendahan ang IP code at alisin ang umiiral na mga limitasyon para masakop ang electronic at online content sa depinisyon ng pirated goods.
Noong 2022, ang Pilipinas ay nawalan ng $700 million dahil sa piracy ng Filipino-made TV shows at movies, kung saan ang bansa ay pinangalanan bilang isa sa top consumers ng pirated content sa Asia, ayon sa YouGov 2022 Piracy Landscape Survey.
Sa pagtaya ni IPOPHL director general Rowel Barba, ang Pilipinas ay magkakaroon ng $1 billion na revenue leakage sa 2027 kapag nagpatuloy ang online piracy.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, kinukuha ng piracy ang 7.1% ng gross domestic product ng bansa.
Nagreresulta ito sa pagkawala ng kita para sa bansa at ng kabuhayan, at nagbabanta ring mag-inflict ng malware sa mga device na gumagamit ng pirated content, na maaaring maging gateway para sa scams.
- Latest