^

Bansa

Banta ni VP Sara sa labi ni Marcos Sr. ‘wag seryosohin — Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi dapat seryosohin ang banta ni Vice President Sara Duterte na ipapatapon sa West Philippine Sea ang bangkay ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon kay dating pangulong Rodrigo Duterte, isa lamang itong “extended hyperbole” o eksaheradong pahayag ng kaniyang anak.

Matatandaan na sinabi ni VP Sara na ipapahukay niya ang labi ni Marcos Sr. at itatapon sa WPS kapag hindi siya tinigilan ng mga kaalyado ng Marcos administration.

Ayon kay Duterte, posibleng nagalit lang si Sara pero hindi naman gagawin ang pagtatapon ng labi ng dating pa­ngulo sa WPS.

Anya, tatlo ang kaniyang anak at sa kaniya nagmana ng ugali si VP Sara pati ang pagsasalita.

“Tatlo ang anak ko, isang babae, dalawang lalaki. Ang nakakuha sa ugali ko sa bunganga ko, bastos, si Inday. ‘Yung kanyang ginawa, extended hyperbole lang ‘yun. Bakit mo naman gawin, pang-ano lang ‘yun, nagalit siguro siya na ano,” saad ni Duterte.

Hindi rin sinang-ayunan ni Duterte ang pananaw ni Sara na mahinang presidente si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“I may have to disagree with my daughter. Not totally. Baka kulang sa expectations niya. Siguro ang role model niya ‘yung tatay niya,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, nagtatrabaho naman si Marcos kaya lang aniya ay baka medyo kulang kaya nasabi ng kanyang anak na mahina ito.

Hindi rin dapat ikumpara sa kanya si Marcos lalo na sa pagsasalita. Malumanay ani si Marcos na malayo sa kaniya na nagmumura at diretso kung magsalita.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with