^

Bansa

Nueva Ecija Mayor pinadedeklarang ‘nuisance candidate, inalmahan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Cabanatuan City­Mayor Myca Vergara ang petisyong isinampa ng kanyang challenger na si Vice Governor Anthony Umali na naglalayong ideklara siyang nuisance candidate.

Ani Vergara, ang hakbang ni Umali ay wala umanong batayan at layunin lamang na iligaw ang publiko at pigilan ang kanyang kandidatura.

“Paano ako magi­ging nuisance candidate, gayong ako ang kasalukuyang nanunungkulang mayor ng Cabanatuan?” diin ni Vergara.

Tinawag niyang “frivolous suit” o walang kabuluhang reklamo ang isinampa ni Umali sa Commission on Elections (Comelec) na ang tanging intensyon ay manipulahin at baluktutin ang election process.

Nagsampa sa Comelec ng reklamo si Umali matapos i-refile ni Vergara ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) noong Oktubre 8 ilang minuto matapos i-withdraw ang unang COC para itama ang ilang maling entries.

Giit ni Vergara, ang mabilis na re-filing ay patunay lamang ng kanyang hangaring tumakbo at magsilbi. Sinamahan din niya ng parehong Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) mula sa kanyang partido upang tiyakin ang kanyang opisyal na nominasyon.

Dagdag ni Vergara, ang tunay umano na “nuisance candidates” ay ang mga miyembro ng pamilya Umali, na may anim na kandidato sa iba’t ibang posisyon sa Nueva Ecija.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with