^

Bansa

Kristine victims sa Binangonan, Rizal tinulungan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Rumesponde ang Malasakit Team ni Senator Christopher “Bong” Go sa Binangonan, Rizal at nagdala ng agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Kristine sa Barangay Libis, Calumpang, at Tayuman.

Tiniyak ng senador, na kilala bilang Mr. Malasakit, ang kanyang patuloy na serbisyo sa mga komunidad na nasalanta ng kalamidad at mga nangangailangan.

Namahagi ang Malasakit Team ni Go ng 300 grocery packs sa mga biktima ng bagyo. Bukod dito, nagsagawa ang team ng feeding initiative, sa pamamagitan ng pamamahagi ng maiinit na pagkain upang maib­san ang gutom at mapasigla ang espiritu ng mga apektadong pamilya.

“Sa panahon ng sakuna, importante ang pagkakaisa at mabilis na pagtugon upang matiyak na may sapat na pagkain at tulong para sa ating mga kababayan,” ani Go.

“Patuloy tayong magmalasakit sa kapwa sa kabila ng mga hamon upang makabangon ang bawat pamilya at ang buong komunidad.”

SENATOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with