^

Bansa

Death toll kay ‘Kristine’ lumobo na sa 116

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Death toll kay �Kristine� lumobo na sa 116
People on a boat conducts relief operations at a flooded area due to the heavy rains brought about by Tropical Storm Trami in Naga, Camarines Sur on October 25, 2024. Philippine rescue workers battled floodwaters on October 25 to reach residents still trapped on the roofs of their homes as Tropical Storm Trami moved out to sea after killing at least 40 people.
AFP / Zalrian Saya

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 116 katao ang nasawi habang tumaas na rin sa mahigit 6 milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Kristine.

Sa report ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ariel Nepomuceno, sa 116 naiulat na namatay sa bagyong Kristine karamihan dito ay mula sa Bicol Region at CALABARZON (Ca­vite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Nasa 39 ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Tumaas na rin sa 6,717,755 katao ang mga naapektuhan ng bagyo sa 17 rehiyon.

Sa nasabing bilang ay 980,355 ang nanatili pa sa mga evacuation centers.

Lumobo naman sa 160 lungsod at munisipalidad ang isinailalim sa state of cala­mity habang naitala sa P1,540,867,176.63 ang pinsala sa agrikultura kabilang ang mga kalsada, tulay, flood control facilities ng gobyerno, eskuwelahan, health facilities at iba pa.

Ang pinsala sa ­agrikultura ay nairekod naman sa P2,511,311, 710.94 na nakaapekto sa 58,500 magsasaka at mangingisda habang 51,942 hektarya naman ng mga pananim ang nasalanta.

CALABARZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->