^

Bansa

Robredo, Abalos naghatid ng tulong sa biktima ng bagyo sa Naga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasama muli sina dating bise presidente Leni Robredo at senatorial candidate Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. para magpaabot ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine, na nag-iwan ng matinding pinsala at pagbaha sa mga barangay ng Naga City, Camarines Sur.

Sa kabila ng pag-iwas nina Robredo at Abalos sa media, nakunan sila ng litrato ng ilang residente, na nagpahayag ng paghanga sa tahimik na paraan ng kanilang pagtulong.

Bukod sa personal na pag-abot ng tulong, parehong naglunsad ng kani-kanilang panawagan para sa donation drive sina Abalos at Robredo sa kanilang social media accounts upang makahikayat ng donasyon para sa iba’t ibang organisasyon.

Sa panahon kung saan maraming politiko ang tila mas nakatuon sa pagpapakita ng kanilang relief efforts sa publiko, sina Robredo at Abalos ay tahimik at walang kaingay-ingay na tumutulong sa mga Bicolano.

Ayon sa mga ulat ng lokal na pamahalaan, mahigit 10,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Kristine sa Camarines Sur.

Sinabi ni Abalos na sa mga panahong tulad nito, mas mahalagang tutukan ang pagtulong kaysa sa mga personalidad.

“Maraming bahagi ng Luzon ang lubog sa baha dahil sa pinsalang dulot ng bagyong #KristinePH. Bukod sa sama-samang pananalangin, ngayon, higit kailanman, magkaisa tayo sa layuning makapag-abot ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo,” ayon sa isang Facebook post ni Abalos.

BENHUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with