^

Bansa

Mga kongresista tumulong sa relief efforts sa panahon ng kalamidad – Romualdez

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mga kongresista tumulong sa relief efforts sa panahon ng kalamidad – Romualdez
LGU staff loading food packs from the DSWD into a truck for delivery to the victims of Severe Tropical Storm Kristine in Eastern Visayas.
Department of Social Welfare and Development / Released via Facebook

MANILA, Philippines — Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kongresista ng bawat distrito sa buong bansa na tumulong sa relief efforts ng pamahalaan kapag tinamaan ng kalamidad ang kanilang mga lugar.

Ayon kay Speaker Romualdez, “Mas alam nila kasi ang mga areas sa kanilang nasasakupan na kailangan ng agarang tulong dahil may mga lider sila sa bawat bayan at lungsod.”

“Kaya mas madaling maipaabot ang tulong ng gobyerno lalo na ng DSWD dahil sa mga prepositioned food packs,” dagdag pa ng lider ng House.

Ayon pa kay Romualdez lahat ng distrito na dinaanan ng Bagyong Kristine ay bibigyan ng financial assistance mula sa pamahalaan sa ilalim ng Assistance for Individual in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Higit P400 million pesos ang ibibigay sa mga residente ng 21 districts sa Bicol, Eastern Visayas, Calabarzon at Mimaropa.

“The government is here to help dahil batid po natin ang dinanas ng mga kababayan natin noong panahon ni Bagyong Kristine,” ani Romualdez.

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with