^

Bansa

Ex-President Duterte haharap sa Senado vs drug war

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ex-President Duterte haharap sa Senado vs drug war
This Facebook post from Sept. 21, 2024 shows former President Rodrigo Duterte during the national assembly of the Partido Demokratiko Pilipino in Davao City.
Rodrigo Duterte via Facebook

MANILA, Philippines — Sakay ng Philippine Airlines (PAL) lumuwas na umano ng Maynila si dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang anak na si Kitty upang dumalo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee ukol sa ‘drug war’ sa Lunes, base sa kumalat na impormasyon.

Kasabay  nito, kinumpirma rin ni Senador Ro­nald “Bato” Dela Rosa ang nasabing pagharap ni Duterte sa pagdinig ng Senado sa Lunes.

Ito ay matapos mag-post si Dela Rosa ng larawan sa Facebook noong Biyernes,  kasama ang dating pangulo, ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña, at ang dating speaker na si Pantaleon Alvarez sa isang dinner.

Sinabi ni Dela Rosa, na tiniyak sa kaniya ni Duterte na dadalo ito sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee.

Una nang sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III noong Huwebes na hindi sigurado ang presensya ni Duterte sa Lunes dahil nagdadalawang-isip umano ito.

Sinabi ni Pimentel, na sisimulan sa Lunes, Oktubre 28, ang imbestigasyon ng Senado sa mga pagpatay na nauugnay sa war on drugs ng dating administrasyon.

Nauna nang hiniling nina Dela Rosa at Senator Christopher “Bong” Go sa Senado na magsagawa ng probe na gagawin pa­rallel sa imbestigasyon ng House Quad Committee (Quad Comm).

Bukod kay Duterte, imbitado rin sa imbestigasyon ng Senado sina retired Police Colonel Royina Garma, dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo, dating Senador Leila de Lima, Kerwin Espinosa, at ang mga pamilya ng mga biktima ng drug war.

PAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with