^

Bansa

Pangulong Marcos namahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos namahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyo
President Marcos assesses the extent of damage from Kristine during an aerial inspection in affected areas in Batangas, Cavite and Laguna.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagtungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga evacution centers sa Bula,Camarines Sur para personal namamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine.

Dala ng Pangulo ang pinansyal na ayuda na galing sa Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD).

“Pinuntahan ko lang [po kayo] para makita ko na maayos naman ang pag-alaga sa inyo,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Bukod sa pinansyal na ayuda, nagpadala rin ang Pangulo ng dagdag na food packs.

Nangako naman si Pangulong Marcos sa mga biktima ng bagyo na hahanapan ng paraan ang napakalaking tubig na dumaan sa Bula na hindi gumagalaw ang tubig kaya hanggang ngayon ay lubog pa rin sa baha ang mga residente doon.

“Ngunit para sa nga­yon ay asahan ninyo basta’t nandito ang pamahalaan tuloy-tuloy ang aming pagtulong sa inyo. Sabihan niyo lang. Nandito si Mayor, nandito si  (DSWD) Secretary Rex (Gatcha­lian), nandito ‘yung mga ibang Cabinet secretary para marinig mula sa inyo kung ano ‘yung mga ­pangangailangan ninyo,” sabi pa ni Marcos.

Siniguro naman ng Pangulo na patuloy na aayudahan ng pamahalaan ang mga nasalanta ng bagyo hanggang makarekober ang mga ito.

vuukle comment

KRISTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with