^

Bansa

Nora Aunor, inayudahan ni Boss Toyo para sa biktima ng bagyo sa Bicol

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkaloob ng financial aid ang pamosong Social Influencer na si Boss Toyo sa Superstar na si Nora Aunor.

Ito ay nang personal na magtungo si Nora Aunor sa puwesto ni Boss Toyo sa Sampaloc, Maynila bitbit ang damit na ginamit niya noong maging champion sa Tawag ng Tanghalan noong May 29, 1967 nang kantahin ang Moonlight Becomes You.

Sinabi ni Nora Aunor na hindi naman niya ibebenta ang kanyang dala-dalang damit kundi ipapakita lamang dahil ito ay ilalagay sa museum.

Ayon kay Boss Toyo, kung pagbabasehan ang tagal nang damit, ito ay halos P5 Milyon na ang presyo.

Ayon kay Nora Aunor, personal niyang pinuntahan si Boss Toyo dahil alam niya na ito ay matulungin sa kapwa. Hiling ni Aunor kay Boss Toyo na matulungan ang kanyang mga kababayan sa Iriga at Nabua sa Bicol na sinalanta ng bagyong Kristine.

Dahil ayaw ipagbili ang damit na dala dala ng Superstar, hiniling ni Boss Toyo kay Nora Aunor na pirmahan na lamang ang mga manika na kamukha ni Nora Aunor, na naibenta naman sa shop ng mga avid fans ng superstar. Pinaunlakan naman ito ni Nora Aunor at pinirmahan ang manika.

SI Boss Toyo ay nagkaloob kay Nora Aunor ng halagang P250,000 bilang pandagdag sa ipamimigay na tulong sa kanyang mga kababayan sa Bicol.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with