Pagpapaigting ng PNP LERIS tinalakay sa QCPD
MANILA, Philippines — Pinangunahan nitong Sabado ni National Capital Region Police Office-Deputy Regional Director for Operations PBGen. Ponce Rogelio I Peñones, Jr., ang Command Conference sa Quezon City Police District (QCPD) kung saan tinalakay ang Information Operation Plan ng PNP Law Enforcement Reporting Information System (LERIS) Ayon kay Peñones, napapanahong talakayin ang aspeto ng Law Enforcement Reporting Information System (LERIS) na pinakabagong digital platform ng PNP na idinisenyo para sa mas mabilis at mas epektibong pag-uulat ng krimen sa buong bansa.
Sinabi ni Peñones na layon ng LERIS na magbigay ng real-time crime reporting upang mapadali ang agarang pagtugon ng mga pinakamalapit na himpilan ng pulisya sa anumang insidente.
Ipinaliwanag at inilarawan din ang proseso ng paggamit ng system na ito, kabilang ang flow ng PNP LERIS, na naglalayong gawing mas madali at mas maayos ang pag-uulat ng mga insidente. Tinalakay din ang Information Operation (IO) Plan at mga updates hinggil sa cascading ng PNP LERIS.
Ang pagkakaroon ng ganitong system ay bahagi ng layunin ng PNP na mas mapalawak at i-modernize ang mga operasyon at mapabuti ang seguridad ng bawat mamamayan.
Binigyan diin naman ni Acting QCPD director PCol. Melecio M Buslig, Jr. na ang PNP LERIS ay hakbang patungo sa modernisasyon ng crime reporting system. Aniya, makakaasa ang mga taga QC na mas mabilis na aksyon mula sa mga tauhan ng QCPD.
- Latest