^

Bansa

60-day price freeze sa mga lugar na sinalanta ni ‘Kristine’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
60-day price freeze sa mga lugar na sinalanta ni ‘Kristine’
File photo of a wet market
BusinessWorld / File

MANILA, Philippines — Nag-isyu na ang Department of Trade Industry (DTI) ng 60-day price freeze sa mga pangunahing bilihin tulad ng mga de-lata, instant noodles, tinapay, gatas, kape kandila, sabon panglaba at asin gayundin ang bottled water sa mga lugar na idineklara na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa bagyong Kristine.

Paalala naman ng DTI na agresibo silang nagmomonitor kaya sinumang lalabag sa price freeze ay nahaharap sa parusang pagkakakulong ng isa hanggang 10 taon o pagmumulta ng mula P5,000 hanggang P1 milyon.

Hinikayat din ng DTI ang mga consumers na i-report ang mga retailers, distributors at manufacturers na magbebenta sa itinakdang presyo.

Una rito, pinatutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DTI ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa lugar na nasalanta ni “Kristine”.

Sa pahayag ng Pangulo, dapat bantayan ng DTI kung sumusunod ang mga nagtitinda sa price control sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

‘’To blunt any attempt at profiteering, the DTI is monitoring compliance with the price control on selected goods imposed in all areas under the State of Calamity, in accordance with the law,’’ ayon kay Marcos.

Inatasan din ng Presidente ang DTI na siguruhin na tuluy-tuloy ang supply ng kalakal o kalakalan sa mga lugar na naapektuhan ng nasabing bagyo.

vuukle comment

KRISTINE

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with