AFP umalma sa ‘fake news’ at ‘abduct-surface-donate’ scheme
MANILA, Philippines — Kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapakalat ng “fake news” at ang manipulasyong tinatawag na “abduct-surface-donate-release” scheme (ASDR) kaugnay sa kamakailang pagsuko ni Fhobie Matias, dating miyembro ng New People’s Army (NPA).
Sa online press conference ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) noong Martes, sinabi ni BGen. Randolph G. Cabangbang, commander ng 203rd Infantry Brigade, na boluntaryong sumuko si Matias sa tulong ng kanyang kasintahang si Job David, dating rebelde, at ng kanyang ina na si Miriam.
Ani Cabangbang, ang desisyon ni Matias na sumuko ay bunsod ng pagkadismaya sa NPA, kakulangan ng suportang medikal para sa kanyang kondisyon sa puso (Dextrocardia), at mga hirap na naranasan niya sa loob ng organisasyon.
Sa pagdalo nina Matias at David virtual press conference, kinumpirma ng mga ito ang boluntaryong pagsuko isiniwalat ang hirap na dinanas bukod sa mga pagkain na masahol pa sa kaning baboy.
Sinabi ni Cabangbang na ang paglabas ni Matias sa publiko ay “napapanahon” upang ipakita na hindi totoo ang mga ulat.
- Latest