^

Bansa

Pag-arbor ng kadete sa relo ni Pangulong Marcos kinumpirma ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paghingi ng kadete sa suot na relo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa graduation ceremony ng Philippine Military Aca­demy (PMA) noong Mayo ng taong ito.

Pero iginiit ng AFP na hindi ito bahagi ng tradis­yon ng PMA. Pinagalitan ng Philippine Military Aca­demy (PMA) ang hindi na pinangalanang kadete na bahagi na umano ng Philippine Air Force.

“He was admonished for his actions, and that occurred in May po ano, noong graduation. So it was already dealt with according to regulations of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine Military Academy,” pahayag ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.

Matatandaang nabanggit ni Vice Pres. Sara Duterte sa isang press confe­rence ang tungkol sa isang graduate na nang­hingi ng relo ni PBBM bilang gradua­tion gift.

Nangyari umano ito sa graduation ng PMA “Bagong Sinag” Class of 2024 sa Fort General Gregorio Del Pilar sa Baguio City noong Mayo.

Sina Marcos at Duterte ay nakitang magkasundo at magkasama pa sa nasabing graduation ceremony.

Gayunman, ayon kay VP Duterte ay naging toxic umano ang relasyon niya kay PBBM matapos na tumanggi itong ibigay ang relo sa nasabing kadete.

Dito raw na-imagine ng Bise Presidente ang pagpugot sa ulo ng Pangulo.

“It does not reflect the overall culture and training of the academy. Ito, ang nangyari dito, it was in a moment of euphoria. He was facing the President and he made a mistake, it’s unusual and unacceptable,” ani Padilla na sinabing isa lamang itong isolated na kaso.

Sa PMA graduation cere­mony noong 2019 ay isang kadete rin ang humiling ng relo ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte na pinagbigyan naman nito bagay na ikinukumpara ni VP Sara kay PBBM.

AFP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with