^

Bansa

‘Kristine’ posibleng maging super typhoon

Joy Cantos, Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
�Kristine� posibleng maging super typhoon
A weather forecaster from the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) explains their forecast of Tropical Depression #KristinePH track throughout the country during a press conference at the PAGASA head office in Quezon City on October 21, 2024.
Miguel de Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Pinangangambahang aabot sa 30 milyong indibidwal habang 18,000 barangay ang lulubog at pagguho ng lupa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang maapektuhan ng Tropical Depression Kristine.

Ito’y ayon kay Office of Civil Defense (OCD) administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno kahapon bunsod ng pangamba na maging super typhoon ang bagyong Kristine.

Ayon kay Napomuceno, sa impormasyon mula sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), nasa 18,000 barangay ang nasa panganib ng pagguho ng lupa at pagbaha na dulot ng ulan, partikular sa Central Visayas, Cordillera Admi­nistrative Region, Eastern Visayas, Ilocos Region, MIMAROPA, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Kanlurang Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Sa National Capital Region naman, may kabuuang 1,403 barangay din ang vulnerable sa landslide at baha dahil kay Kristine, kabilang ang mga lugar sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Pasay, Pateros, Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque, Taguig, Quezon Lungsod, Mandaluyong, Marikina, Pasig, San Juan, at Maynila.

Sa bulletin ng PAGASA, sinabi ni deputy administrator for operation Engr. Jua­nito Galang, ang bagyong Kristine ay nakikitang makakapareho ng lakas ng Super Typhoon Lawin na tumama sa bansa noong taong 2012.

Sa ngayon anya ay halos buong bansa ang naaapektuhan ng bagyong Kristine partikukar sa Northern Luzon gayundin sa Bicol Region, Southern Luzon at Metro Manila.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 15 lugar habang si Kristine ay guma­galaw sa ibabaw ng Philippine Sea.

Sinabi ng PAGASA na si Kristine ay nasa layong 870 kilometro silangan ng Eastern Visayas, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 70 kph, at kumikilos pakanluran timog-kanluran sa bilis na 30 kph.

Inaasahang magla-landfall si Kristine sa Northern Luzon sa Biyernes.

Umaasa naman ang Pagasa na magbago pa rin ang historical path ni Kristine sa mga darating na araw dahil sa nasa transition period ngayon ang bansa na humihina ang habagat at inaasahang papalapit ang pagpasok ng  hanging amihan.

Ipinaalala naman sa publiko ni Pagasa admi­nistrator Nathaniel Servando na huwag babalewalain ang paalala ng Pagasa kaugnay ng bagyong Kristine dahil inaasahan ang lakas nito at dapat ay lahat na mag­handa.

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with