^

Bansa

‘Proof of life’ sa dinukot na American vlogger, malabo pa - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
�Proof of life� sa dinukot na American vlogger, malabo pa - PNP
Photo shows a special combat team checking on a ‘jungkong’ motorized boat during the search for kidnapped American Elliot Onil Eastman in Zamboanga del Norte on October 18, 2024.
Photo by the Police Regional Office 9

MANILA, Philippines — Wala pang “proof of life” sa dinukot na American vlogger na si Elliot Eastman kamakailan sa Sibuco, Zamboanga del Norte.

Ayon kay PNP Police Regional Office 9 (PRO-9) spokesperson PCol. Helen Galvez, wala pa rin silang natatanggap na anumang tawag mula sa mga dumukot kay Eastman, 26.

“Wala pa po tayong proof of life atsaka wala pang contact from the abductors. Both dito sa Philippines at saka sa US, wala pang natatanggap na ganung communication,” ani Galvez.

Kasal sa isang Filipina si Eastman at limang buwan na sa Zamboanga del Norte. Sinasabing dinukot ng apat na kalalakihang nagpakilalang mga pulis sa bahay ng kanyang mga in-laws ang vlogger.

Nagsanib puwersa na ang PNP at maging Federal Bureau of Investigation (FBI) upang hanapin at i-rescue si Eastman.

Sa imbestigasyon, nanlaban at tinangka ni Eastman na tumakas subalit binaril ito sa paa ng isa sa mga kidnappers.

Binisita na ng FBI ang misis ni Eastman sa Zamboanga del Norte at maging ang pamilya ni Eastman sa US ay wala ring natatanggap na anumang tawag.

Sa kanyang vlog, sinabi ni Eastman na hindi gusto ng mga tao sa lugar ang kanyang ginagawang live streaming at pinagbantaan siya at kanyang pamilya na ipakikidnap ito.

Dagdag pa ni Galvez, napaalalahanan na rin si Eastman na mag-ingat lalo pa’t talamak ang mga insidente ng pagdukot sa lugar partikular sa mga dayuhan.

Patuloy ang pagsisikap ng PNP at ng FBI na matukoy ang mga nasa likod ng pagdukot at mabawi si Eastman.

vuukle comment

CRIME

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with