^

Bansa

Paglahok ng labor sector sa mainstream politics at policymaking, pinuri

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang aktibong paglahok ng sektor ng mga manggagawa sa sistemang pampulitika ng bansa.

“Malaki ang tulong sa pagbuo ng mga polisiya ang aktibong partisipasyon ng sektor ng mga manggagawa sa ating sistema ng gobyerno. Kabilang dito ang iba’t ibang workers’ organizations at pro-labor party-list groups,” ayon sa senador.

Ani Tolentino, mahigit isang dosenang party-list organizations na nabigyan ng accreditation ng Commission on Elections (Comelec) para lumahok sa eleksyon sa susunod na taon ay nagsusulong sa mga isyu ng mga manggagawa.

“Noon, ang mga usapin sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa ay kadalasang nalilimita sa loob ng mga pagawaan. Pero ngayon, ang mga isyung ito’y direkta nang naisasalin sa mga batas na ipinapasa ng Kongreso,” ipinunto ni Tolentino kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma sa kanyang regular na programa sa radyo.

Ayon naman kay Laguesma, umaabot sa 51 milyon - o ang kasalukuyang labor force ng bansa - ang makikinabang sa lumalakas na tinig ng sektor paggawa sa Kongreso.

Dagdag pa ni Laguesma, ang direktang partisipasyon ng mga manggagawa sa pamamahala ay indikasyon din na buhay at masigla ang demokrasya sa bansa.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with