^

Bansa

Philippines pinaka-prone sa kalamidad sa SEA: Paglikha ng DDR, muling iginiit ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling kinilala ang Pilipinas bilang pinaka-prone ng kalamidad sa Southeast Asia, ayon sa ulat ng Asian Development Bank (ADB).

Sa halos 43 milyong disaster-related displacements na naitala mula 2014 hanggang 2023, ang bansa ay nananatiling lubhang mahina sa madalas na pananalasa ng mga bagyo, baha, at iba pang natural disasters na pinalala ng heograpikong lokasyon nito at epekto ng pagbabago ng klima.

Dahil dito, muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go, ang kagyat na pangangailangan para sa isang mas matatag na diskarte sa disaster resilience at paghahanda sa bansa.

“Hindi na bago sa atin ang mga trahed­yang dulot ng mga bagyo, lindol, at iba pang kalamidad.  Bilang isang bansa na nasa typhoon belt at Pacific Ring of Fire, kailangan nating mas palakasin ang ating paghahanda upang mas maging ligtas ang ating mga kababayan sa tuwing may sakuna,” sabi ni Go.

Itinatampok ng mga natuklasan ng ADB na ang Pilipinas ay nangunguna sa Disaster Risk Index sa Southeast Asia, may markang 46.86, na nalampasan ang iba pang bansa sa rehiyon.  Nabanggit din sa ulat na ang bansa ay nakararanas ng lima hanggang sampung mapanirang bagyo taun-taon, na malawakang pumipinsala sa imprastraktura at kabuhayan.

Si Go ay nangunguna sa pagsusulong ng mga hakbang na layong pahusayin ang pamamahala sa kalamidad.  Kabilang dito ang Senate Bill No. 188, na kilala rin bilang Department of Disaster Resilience (DDR) Act, na lilikha ng isang espesyal na departamento na nakatuon lamang sa paghahanda at pagtugon sa sakuna, kung maisasabatas.

SOUTHEAST ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with