^

Bansa

Paggamit ng masasamang salita ni VP Sara vs Pangulong Marcos‘di maganda — Chiz

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paggamit ng masasamang salita ni VP Sara vs Pangulong Marcos�di maganda � Chiz
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte on January 25, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hindi kaaya-aya o “unbecoming” para sa isang mataas na opisyal tulad ni Vice President Sara Duterte na gumamit ng masasamang salita laban sa dating running mate na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang interview sa DWIZ, sinabi ni Escudero na para sa kanya ang mga naunang pahayag ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay unbecoming bagama’t ayaw naman niya itong gawing big deal.

Hindi rin aniya tama na gumamit ng mga masasamang salita habang naka livestreamed ang press confe­rence na maaaring mapanood ng mga menor-de-edad.

Sa press conference ng Bise Presidente sinabi nito na “Drag Me To Hell,” dahil sa pag-atake sa kanya habang sinisiyasat ng Kamara ang kanyang sinasabing hindi tamang paggasta ng mga confidential funds sa kanyang tanggapan at Department of Education.

Tahasan din naghayag ng tunay na saloobin si Duterte sa kanyang damdamin kay Pangulong Marcos na tinawang niyang “incompetent leader” na nais niyang pugutan ng ulo at nais din hukayin ang bangkay ng da­ting pangulong Marcos Sr at itapon ang bangkay sa West Philippine Sea.

Umaasa naman si Escudero na sa susunod na press conference ng Bise Presidente ay mas magiging maingat at mapanuri na siya, bagamat karapatan naman ng bawat isa na maglabas ng galit ay hindi ito dapat maging dahilan o lisensya na gumamit ng mga naturang salita.

Umaasa naman ang Senate President na magkakaa­yos sina Marcos at Duterte at hindi ang pagtutunggali nila ang manguna sa pamamahala sa bansa.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with