^

Bansa

Duque inabswelto ng Ombudsman sa P41 bilyong COVID-19 fund transfer

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Duque inabswelto ng Ombudsman sa P41 bilyong COVID-19 fund transfer
Francisco Duque III.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dinismis ng Office of the Ombudsman ang kasong administratibo na kinasasangkutan ni dating Health Secretary Francisco Duque III kaugnay nang umanoy illegal na paglilipat ng P41-bilyong pondo ng Department of Health (DOH) para sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) noong taong 2020.

Gayunman, kasong administratibo lamang ni Duque ang naibasura ng Ombudsman dahil nananatiling nakasampa ang kasong kriminal nito sa Sandiganbayan na kasong katiwalian kaugnay ng naturang transfer.

Batay sa  criminal information na naisampa sa Sandiganbayan, ang paglilipat ng P41 bilyong pondo ng DOH sa  PS-DBM noong taong 2020 noong panahon ng pandemic ay illegal at walang basehan para maisagawa ang fund transfer.

Ang pondo ay sinasabing pambili ng medical supplies noong pandemic katulad ng detection kits, nucleic acid extraction machine, mechanical ventilator, personal protective equipment, surgical mask, cadaver bag at ibat ibang test kits

Sinasabing pinayagan ni Duque na mailipat ang pondo kahit na hindi naman ito nakatulong na mapadali ang pagpapatupad ng proyekto at maaari namang maisagawa ng DOH ang procurement.

Hindi rin umano nagkaroon ng kasunduan sa naturang fund transfer at hindi naisumite ang required certifications ng liquidation ng transfer bago  naipalabas ang naturang pondo.

Sa kasong graft na ito ni Duque ay kapwa akusado dito si dating Budget Undersecretary Christopher Lao.

COVID

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with