^

Bansa

Pangulong Marcos tinanggap pagbibitiw ni Leonardo sa NAPOLCOM

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos tinanggap pagbibitiw ni Leonardo sa NAPOLCOM
Composite photo shows Napolcom Commissioner Edilberto Leonardo and former PCSO general manager Royina Garma attending the House quadcom's seventh public hearing on September 27, 2024.
House of Representatives / Release

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malakanyang na tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa pwesto ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo.

Sa liham ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na may petsang Oktubre 8, 2024 kay DILG Secretary Juanito Victor Remulla, sinabi nito na tinanggap na ng Pangulo ang resignation ni Leonardo.

Matatandaan na ­naghain si Leonardo ng resignation matapos na mabanggit sa pagdinig ng House quad committee na nag-utos umano siya na patayin si PCSO board se­cretary Wesly Barayuga at tatlong Chinese drug convicts.

“This refers to the letter dated October 4, 2023 of Mr. Edilberto Dela Cruz Leonardo, tendering his resignation as Commssioner, Representing the Law Enforcement Sector, National police Commission, Department of the Interior and Local Government. On behalh of President Ferdinand R. Marcos Jr., this is to inform you that his resignation has been accepted effective immediatel,” nakasaad pa sa liham ni Bersamin kay Remulla.

Ang NAPOLCOM ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DILG.

Sa kabila nito wala pa namang inaanunsiyo ang Presidential Communications Office (PCO) kung sino ang kapalit sa pwesto ni Leonardo.

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with