^

Bansa

15K benepisyaryo mula sa industriya ng sining, inayudahan sa BPSF

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
15K benepisyaryo mula sa industriya ng sining, inayudahan sa BPSF
Nasa 15,000 extras, stunt doubles, at mga manggagawa sa movie industry ang nabigyan ng financial assistance, sako ng bigas at libreng serbisyo mula sa iba’t ibang government agencies, sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ng gobyerno sa pamamagitan ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa PhilSports Arena, Pasig City nitong Sabado.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang isang malawak na programa na nagkakahalaga ng P75 milyon, na layuning magbigay ng tulong-pinansyal at mga pagkakataon sa pagpapahusay ng kakayahan para sa mahigit 15,000 miyembro ng industriya ng sining, kabilang ang pinansyal na suporta at iba pang mga serbisyo ng pamahalaan.

Ang event na may paksang “Paglinang sa Industriya ng Paglikha” ay ginanap kahapon hanggang Lunes sa PhilSports Arena (ULTRA) sa Pasig City, na layuning itaguyod ang mga propesyonal mula sa sektor ng pelikula, telebisyon, teatro, at radyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang mahalagang serbisyo at benepisyo.

Ang programa na inisyatiba ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pangunahing tagapagtaguyod ng BPSF, na nakapaghatid na ng mga serbisyo at tulong mula sa gobyerno na umaabot na sa halagang higit P10 bilyon sa mahigit 2.5 milyong pamilya sa 24 na lugar sa buong Pilipinas.

Ayon kay Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” Gabonada Jr. na ang BPSF para sa industriya ng sining ay nagbahagi ng tig-P5,000 cash aid sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa ilalim ng Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng DSWD.

Umaabot naman sa 75,000 kilo ng bigas ang ipinamahagi ni Romualdez na kilala sa tawag na “Mr. Rice” para sa 2-day event, kung saan tig-5 kilo ng bigas ang tatanggapin ng bawat benepisyaryo.

Sa event, 23 ahensya ng gobyerno ang nakilahok sa pagbigay ng access sa mahigit 100 serbisyo ng gobyerno, tulad ng mga permit, lisensya, at serbisyong pangkalusugan, na mahalaga para sa mga propesyonal sa industriya ng sining.

BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with