Walang taas-pasahe basta may fuel subsidy - transport
MANILA, Philippines — Hindi hihirit ng dagdag pasahe ang mga transport groups kung magbibigay ng fuel subsidy ang gobyerno.
Ito naman ang kondisyon ng Magnificent 7 kaugnay ng pagtataas ng presyo ng diesel at gasolina bukas.
Sa panayam ng radyo kay Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburb Drivers Association Nationwide, Inc. (PASANG-MASDA) President Roberto “Ka Obet” Martin, sinabi nito na nagpulong na sila ng Magnificent 7 at nagkasundo na hindi maghain ng dagdag-pasahe at sa halip ay hihilingin na lamang nila sa Department of Transportation na bigyan sila ng fuel subsidies.
Kadalasan aniyang nakakatanggap ng P10,000 fuel subsidy ang bawat modern PUVs habang P6,000 naman bawat isa ang mga traditional jeepneys.
“There will be no (petition for fare hike). We know how to respond to the needs of the passengers. Drivers and operators do not take advantage just to earn,” ani Martin.
Inaasahang tataas ang diesel ng P2.70 mula sa dating P2.50 kada litro habang P2.50 mula sa P2.30 kada litro sa gasolina.
Sinabi ni Martin na bagama’t malaking kawalan sa kanila ang halos P3 taas sa presyo ng krudo, kailangan pa rin nilang balansehin ang sitwasyon.
Iniintindi na lamang nila ang hirap ng mga commuters at mga manggagawa na sumasahod lamang ng minimum wage.
Samantala, inirekomenda rin ni Martin sa pamahalaan na pag-aralan ang Oil Deregulation Law bunsod na rin ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina.
- Latest