^

Bansa

‘Baho’ ng CPP-NPA-NDF ibinisto ng naarestong communist leader

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagkakahuli kay Porferio Tuna Jr., isang high-ranking lider CPP-NPA-NDF ay nagbulgar umano ng baho sa pagmamanipula ng komunistang-teroristang samahan sa usapang pangkapayapaan o ‘peace talks’.

Sa isang online press conference ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ng mga key stakeholders, kabilang ang ilan sa mga dating CPP leaders, na ang bagong ‘framework for peace’ na magwawaksi sa mga dating usapang pangkapayapaan ay namanipula lamang ng mga CPP-NPA-NDF.

Si Tuna, kilala rin bilang al “Ka Ampong” at “Ka Simon Santiago,” ay isang prominenteng CPP regional cadre sa Southern Mindanao. Naaresto siya sa Tagum City, Davao del Norte ng 10th Infantry Division ng Philippine Army dahil sa mga kasong murder, kidnapping, at serious illegal detention.

Ayon kay Noel Legaspi, dating lider at deputy se­cretary/spokesman of the CPP NPA NDF – FSMR, sa matagal na panahon, hindi naisulong ng CPP NPA ang ­reconciliation at sa halip ay pansariling agenda ng grupo.

Kabilang na rin dito ang pagsasamantala umano ng CPP-NPA-NDF sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG), na naglalayong protektahan ang mga peace negotiators.

Ginagamit umano ng CPP ang peace negotiations sa pagpapanggap ng mga ito sa international world na sila ay mga ‘peace-loving individuals’ na binabalewala ng pamahalaan.

vuukle comment

PORFERIO TUNA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with