^

Bansa

DMW tutulong sa pag-uwi ng labi ng nasawing nurse sa UAE

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Migrant Wor­kers (DMW) nitong Sabado na gagawin ng gobyerno ang lahat ng maaring tulong sa pamilya ng isang Filipino nurse na namatay dahil sa car accident sa Abu Dhabi.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang mga kinatawan mula sa DMW at Department of Foreign Affairs (DFA) ay tutulak patungong Abu Dhabi para masaksihan mismo ‘yung imbestigasyon ng mga awtoridad ng UAE.

Sa lalong madaling panahon ay plano nang magtungo ng kinatawan ng DMW kasama ang mister ng nasawing si Reyna Jane Ancheta na si Kennet Paul Ancheta, upang masiguro na makuha na ang labi ng maybahay at kung maari ay kasabay niya sa pabalik sa Pilipinas.

Kailangan lamang aniya na makumpleto ang visa requirements at travel documents ni Kennet Paul.

Una nang nagpahiwatig si Kennet Paul ng pagdududa sa pagkamatay ng misis dahil sa hindi na niya makontak ito sa loob ng tatlong araw bago pa matagpuan ang bangkay at kung bakit walang cellphone at Emirates ID na nakuha sa pinangyarihan ng aksidente.

DMW

WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with