^

Bansa

Bato nagbanta na susuntukin sa mukha si Espinosa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bato nagbanta na susuntukin sa mukha si Espinosa
Senator Ronald "Bato" Dela Rosa.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagbanta si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na susuntukin niya sa mukha si self-confessed drug lord Kerwin Espinosa kapag nagkita sila dahil isa itong sinungaling.

Itinanggi ni Dela Rosa ang paratang ni Espinosa na inutusan niya itong idawit sa ilegal na droga si dating Sen. Leila de Lima noong kasagsagan ng “drug war” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Sabihin mo siya na pag makita ko yan suntukin ko siya sa mukha sa kanyang kasinungalingan. Pag nagkita kami suntukin ko siya sa mukha. Sobrang sinungaling siya!” ani Dela Rosa.

Ayon pa kay Dela Rosa, isang beses lang niyang nakausap si Espinosa noong dalawin niya ito upang tanungin kung totoo ang pahayag nito na binibigyan niya ng pera si LtCol. Jovie Espenido.

Sinabi rin ni Dela Rosa na boluntaryo noon ang pagbibigay ng impormasyon ni Espinosa.

“Eh bakit sabihin niya na ako’y mayroong gustong idiin? Eh boluntaryo siyang nagbigay ng mga impormasyon doon sa mga naghahawak sa kanya,” ani Dela Rosa.

Ayon pa kay Dela Rosa, sinabi ni Espinosa sa hearing sa Senado noong 2016 na tumatanggap ng pera sa kanya si Espenido dahil sa sama ng loob dahil pinatay sa kulungan ang kanyang ama na si dating Abuera, Leyte, mayor Rolando Espinosa.

Mariing itinanggi ni Dela Rosa na tinakot niya si Espinosa na patuloy umanong magpatakbo ng ilegal na droga sa Albuera kahit nakakulong na sa National Bureau of Investigation.

Sinabi rin ni Dela Rosa na hindi credible na testigo si Espinosa.

“In the first place he is a drug lord. Kahit na granting na na-dismissed yung kaso niya still he remains to be a drug lord. Alam na alam ng mga tao yan kahit na nakakulong na siya sa NBI gumagana pa rin ang droga doon sa lugar niya sa Albuera. Gumagana pa rin kasi siya pa rin ang nagpapatakbo,” ani Dela Rosa.

Muling tiniyak ni Dela Rosa na hindi siya dadalo sa pagdinig ng quad committee sa House of Representatives kahit pa muli siyang imbitahan.

vuukle comment

RONALD “BATO” DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with