^

Bansa

Pangulong Marcos muling idinulog sa ASEAN isyu sa South China Sea

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling idinulog ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang usapin sa South China Sea sa Association South East Nation (ASEAN) Summit sa Vientiane, Lao People’s Democratic.

Aminado naman ang Pangulo na nananatiling malaking hamon na mahirap tugunan ang isyu sa South China Sea. Dahil dito kaya kailangang pahupain ang tensyon sa South China Sea.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag matapos ang pinakahuling mga insidente sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na dapat maging tapat at masugid ang lahat ng partido sa usaping ito.

Ayon sa Pangulo, bagama’t mayroong mga development, wala pa ring pagbabago sa pangkalahatang sitwasyon at nananatili ang tensyon sa South China Sea.

Tinukoy ni Pangulong Marcos ang nagpapatuloy na harassment sa mga barko ng Pilipinas kabilang ang barko ng Philippine Coast Guard habang nagpapatrolya sa Escoda Shoal na parte ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Binanggit din nito ang pananakot ng missile ships ng Chinese Navy sa mga barkong pangisda at eroplano ng Pilipinas.

Sabi ni Pangulong Marcos, ang mga insidenteng ito ay pagpapakita ng patuloy na pagbalewala ng China sa international law and standards, partikular sa UNCLOS at sa 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS).

Dagdag ng Pangulo, ang ganitong gawain ay hindi dapat balewalain kaya naman kailangang nagkakaisa at seryosong harapin ang isyu ng South China Sea.

Kasama sa pulong ang mga lider ng  10  ASEAN Member States na kinabibilangan ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, Vietnam.

Kasama rin sa pulong ang lider ng Australia, China, India, Japan, New Zealand, Republic of Korea, Russian Federation, at US.

vuukle comment

ASEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with