^

Bansa

Mayor Vico inalok ng katunggaling si Ate Sarah ng ‘Peace Covenant’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa halip na rumesbak si Pasig City ma­yoralty aspirant Sarah Discaya sa mga isyung ipinukol ni Mayor Vico Sotto sa kanyang pamilya ay inalok na lang niya ang alkalde ng “peace covenant” upang maiwasan umano ang siraan ng magkabilang panig.

Si Discaya, na kilala sa mahihirap na lugar sa lungsod na Ate Sarah, ay nagpadala ng liham kay Sotto na may petsang Oktubre 11, 2024 kung saan nakasaad ang latag ng mungkahi niya na “kasunduan para sa mapayapang May 2025 elections.”

Sa kanyang liham kay Sotto ay sinabi ni Discaya na ngayong pareho na silang kandidato na haharap sa mga Pasigueño upang humingi ng boto ay dapat umanong unahin muna nilang dalawa ang pagbigay katiyakan sa mga residente na magiging mapayapa, patas at malinis ang pamamaraan ng kanilang pangangampanya.

Partikular na binanggit ni Discaya sa kanyang sulat na kailanman ay hindi umano nila binalikan ng paninira rin ang mga paninira ni Sotto sa kanilang pamilya.

Ang pangunahing nilalaman ng proposed ‘peace covenant’ na inilakip ni Discaya sa kanyang liham ay ang pangakong pairalin ang respeto sa kapwa kandidato at iwaksi ang mga personal na paninira, insulto, o walang basehang bintang na mag-uudyok ng poot at awayan ng mga botante.

Kasama rin sa mga pangakong nakapaloob sa kasunduan ang pagsupil sa umano’y iba’t ibang uri ng manipulasyon sa halalan ‘tulad ng vote-buying, harassment at maging ang paggamit ng illegal source of campaign funds  at maging public funds para ipangalap ng boto.

Nakasaad din sa liham ni Discaya kay Mayor Sotto ang suhestiyon na dapat saksihan ang lagdaan ng nasabing ‘peace covenant’ ng mga kinatawan ng Simbahan, lokal na Pulisya, lokal na Hudikatura at mga miyembro ng mainstream at social media.

Ipinaubaya na rin ni Discaya kay Mayor Sotto ang pamamahala at paghahanda sa ‘peace covenant,’ maging ang petsa kung kailan ito gaganapin. 

VICO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with