^

Bansa

BFAR bidding para sa pagbili ng P2.1 bilyong barko, ipinagpaliban

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos na makuwestyon, ipinagpaliban kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang bidding para sa P2.1-bilyong halaga ng mga sasakyang pandagat na unang ipinanawagan na dapat ay pangasiwaan mismo ng Department of Agriculture (DA).

Bunsod nito, duda naman ang ilan sa pagpapaliban ng BFAR sa bidding matapos itong hindi ihayag sa publiko ng mga miyembro ng special bids and awards committee (SBAC).

“Kung ang pagpapaliban ay hindi inihayag sa publiko, ang ilang mga bidder ay maaaring magkaroon ng hindi patas na kalamangan kaysa sa iba. Ito ay maaaring humantong sa mga paratang ng paboritismo o katiwalian,” pahayag ng abogadong si Faye Singson, isang dating assistant prosecutor sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Singson na ang mga pagpapaliban ay maaari ring maantala ang proseso ng pagbili, na maaaring magkaroon ng negatibong kahihinatnan para sa ahensya ng gob­yerno o entity na kasangkot. Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng pagpapaliban sa pagbubukas ng bid mula 11 Oktubre 2024 hanggang 15 Oktubre 2024, ang proseso ng pagkuha ay lumampas sa 52 araw ng trabaho na itinakda ng timeline ng 2016 Revised Implementing Rules and Regulation ng Republic Act 9184.

Sa ilalim ng Seksyon 8 ng RA 9184 ay nag-aatas na ang lahat ng mga aktibidad sa pagkuha ay isagawa sa patas, malinaw, at mapagkumpitensyang paraan. Ang pagpapaliban sa pagbubukas ng bid nang walang tamang abiso ay maaaring lumabag sa prinsipyong ito, ayon pa sa lady lawyer.

Sa proper bidding nitong Huwebes (Oct. 10), kinuwestiyon din ni Singson ang SBAC ng BFAR dahil sa pagbabawal umano sa ilang observers kabilang na ang mga miyembro ng media. Binatikos niya si Zaldy Perez, assistant director for administrative services at SBAC chairman, dahil sa hindi pagpayag sa ilang mi­yembro ng media bilang observers.

BFAR

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with