^

Bansa

Kasal ng KOJC members, pinepeke

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kasal ng KOJC members, pinepeke
This photo shows policemen from Philippine National Police Region XI surrounding a structure inside the compound owned by fugitive doomsday preacher Apollo Quiboloy.
Facebook / Presidential Tracker

Para maging US citizen

MANILA, Philippines — Umamin ang human resources manager ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo Quiboloy na si Marissa Duenas na nagsagawa sila ng ‘kasal-kasalan’ sa California.

Naghain ng guilty plea sa kasong conspiracy upang linlangin ang US si Duenas kapalit ng mas mababang sintensiya.

Pumayag din ang US Attorney’s Office na iba­sura ang iba pang kaso na nagsasangkot kay Duenas. Ang plea agreement ay nilag­daan noong Lunes sa US ni Duenas, at ng kanyang abogado na si John Littrell.

Batay sa 16-pahinang dokumento, hinikayat ni Duenas ang iba pa na makipagkasundo upang gumawa ng pekeng kasalan sa Amerika.

Sa ilalim ng kasunduan, hangad na mapanatili ang katayuan sa imigrasyon ng US ng mga miyembro ng KOJC sa pamamagitan ng pag-aayos ng “sham marriages” sa iba pang mi­yembro ng KOJC na mga mamamayan ng US.

Si Duenas ay kapwa akusado ni Maria De Leon, na sinasabing nagproseso ng mga pekeng dokumento para sa mga miyembro ng simbahan.

Si Quiboloy ay wanted ng Federal Bureau of Investigation “para sa kanyang diumano’y pakikilahok sa isang labor trafficking scheme na nagdala ng mga miyembro ng simbahan sa Estados Unidos, sa pamamagitan ng pekeng mga visa, at pinilit ang mga miyembro na humingi ng mga donasyon para sa isang huwad na kawanggawa, mga donasyon na ginamit upang tustusan ang mga operasyon ng simbahan at ang marangyang pamumuhay ng mga pinuno nito”.

Subalit itinanggi naman ni Quiboloy ang mga paratang laban sa kanya.

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with