Iregularidad sa kompanya ng utol ni Michael Yang nasilip
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Philippine Veterans Investment Development Corporation (Phividec) Legal counsel, Atty. Benjamin Medrano Cana na maaaring nasa maling puwesto ang X-ray machine na ino-operate ng Golden Sun Cargo Examination Services Corp. na pagmamay-ari ni Tony Yang, nakatatandang kapatid ni Michael Yang
Ang X-ray machine ay nasa labas ng designated examination area ng Mindanao Container Terminal.
Sinabi ni Cana na mayroon ng position paper noong mga nakaraang taon para sa pagpupwesto ng X-ray machines kung saan may clamor o ‘panawagan na ibalik ang X-ray machine sa loob ng port o daungan.
Ayon kay Cana, kanilang iimbestigahan o aalamin kung maaaring buhayin ang naturang isyu.
Matatandaan na sa pagdinig ng quad committee sa Kamara, pinuna ang pinaglagyan ng X-ray machines para sa mga container vans na nasa labas ng inaprubahang zone.
Idinagdag ni Cada na hahayaan nila ang kanilang board member na magpasya sa naturang isyu at rerepasuhin nila ang kontrata ng Golden Sun.
Umiwas muna ang Phividec na magkomento sa mga report ng ambush, smuggling, double handling, drugs at posibleng human trafficking na kinasasangkutan ng Golden Sun.
Ayon pa kay Cana, ipapaubaya nila sa law enforcement agencies ang pag-aksyon at pag-iimbestiga sa naturang mga illegal activities na kinasasangkutan umano ng nasabing kompanya.
Nagiging sentro ng pagsisiyasat ang Golden Sun Cargo dahil sa sinasabing pagkakasangkot nila sa iregularidad sa customs process at koneksyon sa POGO-related operations.
- Latest