^

Bansa

Biz-friendly reforms sa bansa, ibinida ni Recto sa naglalakihang international business chambers

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Biz-friendly reforms sa bansa, ibinida ni Recto sa naglalakihang international business chambers
Ang JFC ay isang koa­lisyon ng anim na major international business chambers sa Pilipinas, kabilang ang American, Australian-New Zealand, Canadian, European, Japanese, at Korean, at pati na ang Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters, Inc. (PAMURI).

MANILA, Philippines — Inilatag ni Finance Sec. Ralph Recto sa mga miyembro ng Joint Foreign Chambers of the Philippines (JFC) ang mga reporma sa bansa na masasabing “business-friendly” at naghayag din na magpapatuloy pa ang kanilang mga pag-uusap tungo sa lalong pagpapaganda ng mga polisiya ng pamahalaan.

Ang JFC ay isang koa­lisyon ng anim na major international business chambers sa Pilipinas, kabilang ang American, Australian-New Zealand, Canadian, European, Japanese, at Korean, at pati na ang Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters, Inc. (PAMURI).

Ang nasabing chambers ay may pinagsama-samang 2,000 kompanya kung saan may bilateral trade ito na nagkakahalaga ng 100 bil­yong dolyar at nakapag-aambag ng 30 bilyong dolyar sa ekonomiya ng bansa.

Kabilang sa mga repormang itinampok ni Recto sa kanyang pulong kama­kailan kasama ang JFC ay ang bagong naisabatas na Value-Added Tax (VAT) on Digital Services Act.

Layunin ng naturang bagong batas na magkaroon ng patas na playing field sa pagitan ng mga lokal at da­yuhang digital service provi­ders (DSPs) sa pamamagitan ng pagtatakda ng 12% VAT sa lahat ng nakokonsumong digital services sa Pilipinas. Sa ngayon, tanging mga lokal na DSPs lang may VAT.

Para naman mapaunlad pa ang mining industry sa Pilpinas, ibinahagi ng kalihim na puspusan ang gobyerno sa pagtulak ng “Rationalization of the Mining Fiscal Regime” na suportado ng JFC dahil anila’y parehong makikinabang dito ang publiko at pribado.

Bukod dito, inilahad din ng Finance chief na imimungkahi ng pamahalaan na ibaba ang buwis sa stock transactions sa 0.1% mula 0.6% para mapababa ang friction costs at makasabay ang bansa sa mga kapitbansa nito sa Southeast Asia.

BUSINESS

JFC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with