Expanded medical benefits sa newborn babies, isinulong ni Bong Go
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go, tagapangulo ng Senate committee on health, ang pagpapalawak ng medikal na benepisyo para sa mga bagong silang na sanggol.
Inihayag ito ni Go sa kanyang pagdalo bilang panauhing pandangal sa 22nd National Newborn Screening (NBS) Convention sa Maynila noong Lunes.
Bilang chair ng Senate committee on health, sinabi ni Go na adbokasiya niya na tiyakin ang pag-upgrade ng mga programa at serbisyo para sa kalusugan. Ikinagalak ng senador ang pagsasama-sama ng mga eksperto, practitioner, at tagapagtaguyod ng pagpapahusay ng kalidad ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa.
Nanawagan ang senador sa PhilHealth na isama sa coverage nito ang paggamot sa 29 metabolic at congenital disorders na maaaring matagpuan sa mga bagong silang na sanggol. Sa kasalukuyan, saklaw lamang ng PhilHealth ang proseso ng screening.
Sa ginanap na event sa Manila Hotel, may kabuuang 1,100 medical professionals tulad ng midwives, nurses, doctors, dietician, medical technologists, at chemists mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang dumalo.
Matagal nang itinataguyod ni Go ang pagpapabuti ng healthcare system sa bansa, bukod sa isinusulong din niya ang iba pang panukalang batas ukol sa kalusugan ng publiko.
- Latest