^

Bansa

Panukalang batas maaaring palawakin ang digital divide — consumer group

Philstar.com

MANILA, Philippines – Nagbabala ang isang consumer network na maaaring palubhain ng isang panukalang batas ang digital divide sa bansa dahil itol ay hindi umano nagtataglay ng mga hakbang na mag-aatas sa mga bagong player sa telecommunications space sa bansa na mag-invest sa mga liblib na lugar.

Sa isang statement sa Facebook, sinabi ng CitizenWatch Philippines na ang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) ay dapat bigyan ng prayoridad, na nabigo umanong tugunan ng Konektadong Pinoy Bill.

"Rural and remote communities could be left further behind as new players focus on more profitable urban markets, where returns on investment are quicker and more substantial," wika ni CitizenWatch convenor Orlando Oxales.

Ang pagluluwag sa restrictions ay maaari rin umanong makasama sa telco industry ng bansa dahil maaaring mapuwersa ng mga bagong pasok ang lahat ng players na magpatupad ng competitive pricing at higit na ituon ang kanilang resources sa urban areas.

"New entrants might resort to aggressive pricing strategies to gain market share, which could force all players to cut costs and reduce investments in critical infrastructure, thus leading to slower expansion, especially in GIDAs areas where broadband services are most needed," dagdag pa ni Oxales.

Sa latest data mula sa DataReportal-Global Digital Insights ay lumitaw na 73.6% lamang ng mga Pinoy ang konektado sa internet sa buong Pilipinas.

Ayon sa Statista Research Department, isang international research company, sa 2028 pa magkakaroon ng access sa internet connection ang 98% ng Filipino population.

Ang average broadband internet speed sa Pilipinas ay kasalukuyang ranked 41st sa buong mundo, ayon sa Telecom Review. 

Sinabi ni Prof. Dindo Manhit, presidente ng international research tank Stratbase, na isa itong “seryosong balakid na dapat malusutan,” binigyang-diin ang pangangailangan ng internet connectivity para sa inclusion at social progress.

Ayon sa World Bank, dapat magpokus ang mga policy maker sa Pilipinas sa mga reporma at magbuhos ng mas malaking budget sa pagpapahusay sa broadband infrastructure ng bansa dahil nakaaapekto ang limitadong internet connection sa maraming tao at sa mga oportunidad sa hinaharap.

INTERNET

NETWORK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with