^

Bansa

POGO probe tatapusin na ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Upang hindi malihis ang imbestigasyon, iginiit ni Sen, JV Ejercito na tapusin na ang pagdinig na ng Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sinabi ni Ejercito na iminungkahi niya kay Sen. Risa Hontiveros, chair ng komite na tapusin na ang pagdinig dahil nagiging talkshow na ito.

“Siguro sabi ko kay Sen.  Risa  pwede na i-wrap up soon kasi baka malihis pa. Meron na sa House meron pa sa Senate,parang nagiging talk show na rin. Baka malihis tayo sa tunay na pakay hanapin ang talagang nasa likod ng krimen,” ani Ejercito.

Naniniwala si Ejercito na isang international web syndicate ang nasa likod ng POGO at kabilang sa front si dismissed Bamban mayor Alice Guo. Umaasa rin si Ejercito na maging komportable sa executive session si Guo at ihayag sa mga senador ang nasa likod ng POGO.

Muling magsasagawa ng pagdinig ang komite sa Martes kung saan posibleng ituloy ang executive session upang malayang makapagsalita si Guo.

JV

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with