^

Bansa

Bong Go sa PhilHealth: I-cover top diseases na sanhi ng kamatayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa Philippine Health Insu­rance Corporation (Phi­lHealth) na palawakin ang healthcare benefits nito, partikular sa mga nangungunang karamdaman na sanhi ng kamatayan sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate committee on health and demography na kanyang pinamunuan, binigyang-diin ni Go ang panga­ngailangang tugunan ang mga pangunahing isyu sa kalusugan sa pamamagitan ng pagsakop sa preventive healthcare at improved benefits package.

Ayon kay Go, may sobra-sobrang pera ang PhilHealth kaya hinimok niya ang ahensiya na gumawa ng marami pang benefit packages, increase case rates, para hindi na magastusan pa ang taumbayan.

Bilang tugon, sinabi ni PhilHealth Executive Vice President Atty. Eli Santos na sinisikap ng ahensya na tuparin ang mga pangako nito.  Aniya ang ahensya ay nakatuon sa pagtaas ng mga case rates ng 50% sa kabuuan bago ang katapusan ng Nobyembre 2024.

Bukod dito, ang PhilHealth ay nakatakdang maglabas ng pinalawak na expanded dental be­nefits package sa December 2024, gayundin ng mga alituntunin sa emergency care coverage.

Umaasa si Go na tutuparin ng ahensiya ang mga pangakong binitiwan para sa mamamayang Pilipino. Isa sa mga kritikal na puntong pinukaw sa pagdinig ay ang panga­ngailangang pagtuunan ang mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas. Sinabi ni Dr. Tony Leachon na isang ring tagapagtaguyod ng kalusugan, na anumang pagtaas ng case rate ay dapat targetin ang pinakakaraniwan at deadliest na sakit.

Idiin niya na ang mga kundisyong ito ay account para sa 80% ng pagkamatay sa bansa kaya dapat na unahin upang magkaroon ng makabuluhang epekto sa pampublikong kalusugan.

vuukle comment

LEBANON

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with