^

Bansa

Unang araw ng COC filing, generally peaceful — PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Unang araw ng COC filing, generally peaceful — PNP
Mga bagong mukha ang unang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy para sa pagka-senador sa unang araw ng COC filing kahapon. (Itaas mula kaliwa) Kabilang dito ang security guard na si Phil Delos Reyes, carpenter at electrician Alexander Encarnacion, dating teacher Janice Padilla, Felipe Fernandez Montealto Jr. mula sa Iloilo, animal welfare advocate Norman Cordero Marquez at doktor na si Joey Montemayor.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na ‘generally peaceful’ ang ­unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy kahapon sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon sa filing ng COC at umaasa na magtutuluy-tuloy ito hanggang sa Oktubre 8.

Nasa mahigit 36,000 pulis ang idineploy sa buong bansa upang matiyak na maayos at ligtas ang filing ng COC.

Dagdag pa ni Marbil, pinaalalahan din niya ang mga pulis na siguraduhin na non-partisan ang PNP upang maiwasan ang anumang isyu.

Kasabay nito, sinabi ni Marbil na pinaghahandaan din nila ang pagsisimula ng Election Period sa Enero ng susunod na taon.

Kasama sa pinatutukan nya ang paglansag at paghabol sa mga private armed group, criminal gangs at loose firearms na maaring magamit sa karahasan

Inatasan din ni Marbil sa kanyang mga ground commander na tutukan ang mga lugar na napabilang sa election hotspot noong nakaraang eleksyon.

ELECTION

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with