^

Bansa

‘Julian’ naging super typhoon bago lumabas ng PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Julian’ naging super typhoon bago lumabas ng PAR
Alas-11 ng umaga kahapon, si Julian ay namataan ng PAGASA sa layong 235 kilometro kanluran ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 195 km per hour at pagbugso na 240 kph.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Naging isang Super Typhoon ang bagyong Julian bago ito lumabas sa Philippine Area of Responsibility kahapon pero inaasahang babalik sa PAR ngayong Miyerkules.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Julian ay namataan ng PAGASA sa layong 235 kilometro kanluran ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 195 km per hour at pagbugso na 240 kph.

Kahapon hanggang ngayong Miyerkules, si Julian ay inaasahang mag-recurve sa may karagatan ng southwest ng Taiwan.

Inaasahang mag-landfall si Julian sa southwestern coast ng Taiwan ngayong umaga o sa hapon.

Lalabas ito ng PAR Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.

Sa paglampas ni Julian sa Taiwan ay inaasahan itong hihina at maging isang severe tropical storm na lamang.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with