^

Bansa

Mga estudyante, hinimok na pangalagaan karunungan, integridad, kagandahang asal

Pilipino Star Ngayon
Mga estudyante, hinimok na pangalagaan karunungan, integridad, kagandahang asal
Parents accompany their children at Concepcion Elementary School in Marikina City for their first day of school on August 5, 2024.
STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang daan-daang mga estudyante ng Dasmariñas City, Cavite na kinilala ng lokal na pamahalaan dahil sa kanilang academic achievements nitong Linggo.

Sa kanyang talumpati sa taunang Gawad Karangalan ng lungsod, ipinaalala rin ni Tolentino sa mga mag-aaral na ang natanggap nilang pagkilala ay may kaakibat na res­ponsibilidad para patuloy na maging huwaran sa kanilang mga kapwa kabataan.

“Nawa’y maging tagapangalaga kayo ng karunungan, integridad, at kagandahang asal na natutunan n’yo sa inyong paaralan, mga magulang, at komunidad,” ani Tolentino.

“Tungkulin n’yo rin na ipagpatuloy ang pagpapahalaga sa edukasyon, para kayo’y tularan ng mga susunod pang batch ng mga estudyante. Sa ganitong paraan ay nakapaghahatid kayo ng dangal sa inyong lungsod na sumuporta sa inyong edukas­yon,” diin nya.

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with