Pagluluwag sa telco rules nagdudulot ng pagkabahala sa seguridad — think tank
MANILA, Philippines — Nababahala ang mga think tank at advocacy group hinggil sa posibleng banta sa pambansang seguridad ng panukalang Konektadong Pinoy Act, bagama’t patuloy itong nakatatanggap ng malawakang suporta.
Kaugnay nito, isinusulong ng financial at trade institutions ang pagpasa sa bill, at sinabing ang pagluluwag sa restrictions sa telecommunications players ng bansa ay susi sa pagsulong ng digital infrastructure at coverage ng Pilipinas.
“While these are objectives that need urgent action, the bill, upon closer scrutiny, threatens to compromise national security, undermine the integrity of the country’s radio frequency spectrum, which is a critical and finite natural resource,” wika ni CitizenWatch co-convenor Orlando Oxales.
Ayon sa CitizenWatch, kapag naaprubahan, aalisin ng SB2699 ang pangangailangan para sa congressional franchise ng telecommunication companies, na magbabawas sa regulatory powers ng National Telecommunications Commission (NTC) at magreresta sa exploitation ng spectrum allocation ng bansa.
Ayon kay Oxales, mas bubuksan ng bill ang security issues kaysa ang matulungan ang bansa na mapaghusay ang internet reach at speeds nito. Iniugnay ni Oxales ang bill sa pagbubukas sa bansa sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) o online gaming, na nagresulta sa security concerns.
Sinabi ng convenor na ang pagbubukas ng telco space ng bansa, at kasabay nito ay ang pagbabawas sa regulatory powers ng NTC ay nakababahala dahil ang mabilis na pagpapahintulot sa mas maraming telco players sa bansa ay mahirap bantayan.
- Latest