TWG itinatag ng FDA para sa pagsala, pagpapaigting sa regulasyon ng herbal medicines
MANILA, Philippines — ITINATAG ng Food and Drug Administration (FDA) ang technical working group (TWG) na “Taskforce Thomson” para sa pagpapaigting sa pangangasiwa at regulasyon sa herbal medicines at health supplements sa bansa.
Ang nasabing TWG ang magtatakda ng mga patakaran sa regulasyon sa traditional medicines at health batay sa mga umiiral na batas, tuntunin at regulasyon, ayon sa pahayag ng FDA nitong Biyernes.
“The TWG shall formulate an Administrative Order for the registration of Health Supplements under the Center for Food Regulation and Research (CFRR) and an FDA Circular for the registration of Traditional Medicines under the Center for Drug Regulation and Research,” ayon sa pahayag.
Ipinangalan ang task force sa isang American herbalist at botanist na si Samuel Thomson, ang founder ng alternatibong medisina na tinaguriang “Thomsonian” at naging tanyag sa Estados Unidos noong ika-19 na siglo.
Layunin sa pagbuo ng TWG na magkaroon ng malinaw na guidelines at proseso sa regulasyon para sa ligtas, epektibo at de-kalidad na produkto na pagtitiwalaan ng mga mamimili.
- Latest